Mga Awit

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 96 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Diyos ang Kataas-taasang Hari (1 Cro. 16:23-33)

1. Purihin natin si Yahweh, awitan ng bagong awit;purihin natin si Yahweh, lahat nang nasa daigdig!

2. Awitan natin si Yahweh, ngalan niya ay sambahin;araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.

3. Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila,sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.

4. Si Yahweh ay tunay na dakila, marapat na papurihanhigit sa sinumang diyos, siya'y dapat na igalang.

5. Ang diyos ng sanlibuta'y pawang mga diyus-diyosan;si Yahweh lang ang maylikha ng buong sangkalangitan.

6. Siya'y puspos ng karangalan at ng kaluwalhatian;ang lakas niya't kagandahan ay sa templo mamamasdan.

7. O si Yahweh ay purihin ng lahat sa daigdigan!Purihin ang lakas niya at kanyang kaluwalhatian!

8. Ang pagpuri ay iukol sa pangalan niyang banal,dumulog sa kanyang templo't maghandog ng mga alay.

9. Kung si Yahweh ay dumating, sa likas niyang kabanalan,humarap na nanginginig ang lahat sa sanlibutan.

10. “Si Yahweh ay siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,“Sanlibuta'y matatag na, kahit ito ay ugain;sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.”

11. Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.

12. Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

13. Si Yahweh ay darating na upang lahat ay hatulan,at kanyang paghahariin ang sakdal na katarungan.