Mga Awit

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 103 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Ang Pag-ibig ng Diyos

Awit na katha ni David.

1. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa!At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya.

2. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa,at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

3. Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad,at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.

4. Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,at pinagpapala ako sa pag-ibig niya't habag.

5. Sa sarili ang dulot niya'y kasiyahan habang buhay,kaya naman ang lakas ko ay lakas ng kabataan, katulad ng sa agila ang taglay kong kalakasan.

6. Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan;natatamo ng inapi ang kanilang karapatan.

7. Mga plano niya't utos kay Moises ibinilin;ang kahanga-hangang gawa'y nasaksihan ng Israel.

8. Si Yahweh ay mahabagi't mapagmahal,hindi madaling magalit, wagas ang pag-ibig.

9. Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim;yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim.

10. Di katumbas ng pagsuway, kung siya ay magparusa,hindi tayo sinisingil bagama't tayo'y may sala.

11. Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ma'y hindi kaya,gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.

12. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran,gayon din niya inalis sa atin ang ating mga kasalanan.

13. Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya,gayon siya nahahabag sa may takot sa kanya.

14. Alam niya na alabok, itong ating pinagmulan,at sa alabok din naman ang ating kahahantungan.

15. Ang buhay ng mga tao'y parang damo ang katulad,sa parang ay lumalago na katulad ay bulaklak;

16. nawawala't nalalagas, kapag ito'y nahanginan,nawawala na nga ito at hindi na mamamasdan.

17. Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal;ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.

18. At ang magtatamo nito'y ang tapat sa kasunduan,at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan.

19. Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan;mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan.

20. O purihin n'yo si Yahweh, kayong mga anghel ng Diyos,kayong mga nakikinig at sa kanya'y sumusunod!

21. Si Yahweh nga ay purihin ng buong sangkalangitan,kayong mga lingkod niyang masunurin kailanman.

22. O purihin ninyo siya, kayong lahat na nilalang,sa lahat ng mga dakong naghahari ang Maykapal;O aking kaluluwa, si Yahweh ay papurihan!