Mga Awit

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 42 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

IKALAWANG AKLAT

Panaghoy ng Isang Dinalang-bihag

Isang Maskil ng angkan ni Korah, upang awitin ng Punong Mang-aawit.

1. Kung paanong batis ang siyang hanap ng isang usa;gayon hinahanap ang Diyos ng uhaw kong kaluluwa.

2. Nananabik ako sa Diyos, sa Diyos na buháy, walang iba;kailan kaya maaaring sa presensya mo'y sumamba?

3. Araw-gabi'y tumataghoy, gabi't araw tumatangis;naging tanging pagkain ko'y mga luha sa paghibik.Itong mga kaaway ko, sa tuwina'y yaong sambit,“Nasaan ba ang iyong Diyos? Hindi namin namamasid.”

4. Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalalaang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama,papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna;pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya!

5. Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam?Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan;Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan.

6. Siya ay gugunitain ng puso kong tigib-hirap,habang ako'y nasa Jordan, sa Hermon, at sa Mizardi ko siya malilimot, gugunitain oras-oras.

7. Ang dagat na kalaliman pakinggan at umuugong,at doon ay maririnig, lagaslas ng mga talon;ang katulad: nagagalit, malalaking mga alon,na sa aking kaluluwa ay ganap na tumatabon.

8. Nawa ang pag-ibig ni Yahweh ay mahayag araw-araw,gabi-gabi siya nawa'y purihin ko at awitan;dadalangin ako sa Diyos, na sa aki'y bumubuhay.

9. Sa Diyos na sanggalang ko ganito ang aking wika,“Bakit ako ay nilimot, nilimot mo akong kusa?Bakit ako nagdurusa sa kamay ng masasama?”

10. Kalooban ko'y nanghihina sa pagkutya ng kalaban,habang sila'y nagtatanong,“Ang Diyos mo ba ay nasaan?”

11. Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam?Sa Diyos ako'y may tiwala, siyang aking aasahan;magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay,ang aking Tagapagligtas, ang Diyos na walang hanggan.