Mga Awit

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 65 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Pagpupuri at Pagpapasalamat

Awit ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.

1. Marapat na ikaw, O Diyos, sa Zion ay papurihan,dapat nilang tupdin doon ang pangakong binitiwan,

2. pagkat yaong panalangin nila'y iyong dinirinig.Dahilan sa kasalanan, lahat sa iyo ay lalapit.

3. Bunga nitong pagkukulang, kaya kami nalulupig,gayon pa man, patawad mo'y amin pa ring nakakamit.

4. Silang mga hinirang mo, upang sa templo manahan,silang mga pinili mo'y mapalad na tuturingan!Magagalak kaming lubos sa loob ng templong banal,dahilan sa dulot nitong pagpapala sa nilalang.

5. Kami'y iyong dinirinig, Tagapagligtas naming Diyos,sa kahanga-hangang gawa, kami'y iyong tinutubos.Kahit sino sa daigdig, sa ibayong karagatan,may tiwala silang lahat sa taglay mong kabutihan.

6. Sa taglay mong kalakasan, mga bundok tumatatag;dakila ka't ang lakas mo ay sa gawa nahahayag!

7. Ang ugong ng karagatan, iyong pinatatahimik,pati along malalaki sa panahong nagngangalit;maging mga kaguluhan nilang mga nagagalit.

8. Dahilan sa ginawa mong mga bagay na dakila,natatakot ang daigdig, at ang buong sangnilikha.Bunga nitong ginawa mo, sa galak ay sumisigaw,buong mundo, kahit saang sulok nitong daigdigan.

9. Umuulan sa lupain, ganito mo kinalinga,umuunlad ang lupai't tumataba yaong lupa.Patuloy na umaagos ang bigay mong mga batis,sa halamang nasa lupa, ay ito ang dumidilig;ganito ang ginawa mo na hindi mo ikinait.

10. Sa binungkal na bukirin ang ulan ay masagana,ang bukirin ay matubig, at palaging basang-basa;sa banayad na pag-ulan ay lumambot yaong lupa,kaya naman pati tanim ay malago at sariwa.

11. Nag-aani nang marami sa tulong mong ginagawa,at saanman magpunta ka'y masaganang-masagana.

12. Ang pastula'y punung-puno ng matabang mga kawan,naghahari yaong galak sa lahat ng kaburulan.

13. Gumagala yaong tupa sa gitna ng kaparangan,at hitik na hitik naman ang trigo sa kapatagan.Ang lahat ay umaawit, sa galak ay sumisigaw!