Mga Awit

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos

Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit; sa saliw ng plauta.

1. Pakinggan mo Yahweh ang aking pagdaing,ang aking panaghoy, sana'y bigyang pansin.

2. Aking Diyos at hari, karaingan ko'y pakinggan,sapagkat sa iyo lang ako nananawagan.

3. Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin,at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin.

4. Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan,mga maling gawain, di mo pinapayagan.

5. Ang mga palalo'y di makakatagal sa iyong harapan,mga gumagawa ng kasamaa'y iyong kinasusuklaman.

6. Pinupuksa mo Yahweh, ang mga sinungaling,galit ka sa mamamatay-tao, at mga mapanlamang.

7. Ngunit dahil sa iyong dakilang pagmamahal,makakapasok ako sa iyong tahanan;ika'y sambahin ko sa Templo mong banal,luluhod ako tanda ng aking paggalang.

8. Patnubayan mo ako, Yahweh, sa iyong katuwiran,dahil napakarami ng sa aki'y humahadlang,landas mong matuwid sa aki'y ipaalam, upang ito'y aking laging masundan.

9. Ang mga sinasabi ng mga kaaway ko'y kasinungalingan;saloobin nila'y pawang kabulukan;parang bukás na libingan ang kanilang lalamunan,pananalita nila'y pawang panlilinlang.

10. O Diyos, sila sana'y iyong panagutin,sa sariling pakana, sila'y iyong pabagsakin;sa dami ng pagkakasala nila, sila'y iyong itakwil,sapagkat mapaghimagsik sila at mga suwail.

11. Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan,at lagi silang aawit nang may kagalakan.Ingatan mo ang mga sa iyo'y nagmamahal,upang magpatuloy silang ika'y papurihan.

12. Pinagpapala mo, O Yahweh, ang mga taong matuwid,at gaya ng kalasag, protektado sila ng iyong pag-ibig.