Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 96:8-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Ang pagpuri ay iukol sa pangalan niyang banal,dumulog sa kanyang templo't maghandog ng mga alay.

9. Kung si Yahweh ay dumating, sa likas niyang kabanalan,humarap na nanginginig ang lahat sa sanlibutan.

10. “Si Yahweh ay siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,“Sanlibuta'y matatag na, kahit ito ay ugain;sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.”