Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 96:6-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Siya'y puspos ng karangalan at ng kaluwalhatian;ang lakas niya't kagandahan ay sa templo mamamasdan.

7. O si Yahweh ay purihin ng lahat sa daigdigan!Purihin ang lakas niya at kanyang kaluwalhatian!

8. Ang pagpuri ay iukol sa pangalan niyang banal,dumulog sa kanyang templo't maghandog ng mga alay.

9. Kung si Yahweh ay dumating, sa likas niyang kabanalan,humarap na nanginginig ang lahat sa sanlibutan.

10. “Si Yahweh ay siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,“Sanlibuta'y matatag na, kahit ito ay ugain;sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.”

11. Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.

12. Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.