Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 96:10-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. “Si Yahweh ay siyang hari,” sa daigdig ay sabihin,“Sanlibuta'y matatag na, kahit ito ay ugain;sa paghatol sa nilikha, lahat pantay sa paningin.”

11. Lupa't langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.

12. Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan.

13. Si Yahweh ay darating na upang lahat ay hatulan,at kanyang paghahariin ang sakdal na katarungan.