Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 65:10-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Sa binungkal na bukirin ang ulan ay masagana,ang bukirin ay matubig, at palaging basang-basa;sa banayad na pag-ulan ay lumambot yaong lupa,kaya naman pati tanim ay malago at sariwa.

11. Nag-aani nang marami sa tulong mong ginagawa,at saanman magpunta ka'y masaganang-masagana.

12. Ang pastula'y punung-puno ng matabang mga kawan,naghahari yaong galak sa lahat ng kaburulan.

13. Gumagala yaong tupa sa gitna ng kaparangan,at hitik na hitik naman ang trigo sa kapatagan.Ang lahat ay umaawit, sa galak ay sumisigaw!