Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 65:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Marapat na ikaw, O Diyos, sa Zion ay papurihan,dapat nilang tupdin doon ang pangakong binitiwan,

2. pagkat yaong panalangin nila'y iyong dinirinig.Dahilan sa kasalanan, lahat sa iyo ay lalapit.

3. Bunga nitong pagkukulang, kaya kami nalulupig,gayon pa man, patawad mo'y amin pa ring nakakamit.

4. Silang mga hinirang mo, upang sa templo manahan,silang mga pinili mo'y mapalad na tuturingan!Magagalak kaming lubos sa loob ng templong banal,dahilan sa dulot nitong pagpapala sa nilalang.

5. Kami'y iyong dinirinig, Tagapagligtas naming Diyos,sa kahanga-hangang gawa, kami'y iyong tinutubos.Kahit sino sa daigdig, sa ibayong karagatan,may tiwala silang lahat sa taglay mong kabutihan.