Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 5:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pakinggan mo Yahweh ang aking pagdaing,ang aking panaghoy, sana'y bigyang pansin.

2. Aking Diyos at hari, karaingan ko'y pakinggan,sapagkat sa iyo lang ako nananawagan.

3. Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin,at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin.

4. Ikaw ay Diyos na di nalulugod sa kasamaan,mga maling gawain, di mo pinapayagan.

5. Ang mga palalo'y di makakatagal sa iyong harapan,mga gumagawa ng kasamaa'y iyong kinasusuklaman.

6. Pinupuksa mo Yahweh, ang mga sinungaling,galit ka sa mamamatay-tao, at mga mapanlamang.