19. Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan;mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan.
20. O purihin n'yo si Yahweh, kayong mga anghel ng Diyos,kayong mga nakikinig at sa kanya'y sumusunod!
21. Si Yahweh nga ay purihin ng buong sangkalangitan,kayong mga lingkod niyang masunurin kailanman.
22. O purihin ninyo siya, kayong lahat na nilalang,sa lahat ng mga dakong naghahari ang Maykapal;O aking kaluluwa, si Yahweh ay papurihan!