Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 103:16-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. nawawala't nalalagas, kapag ito'y nahanginan,nawawala na nga ito at hindi na mamamasdan.

17. Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal;ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.

18. At ang magtatamo nito'y ang tapat sa kasunduan,at tapat na sumusunod sa bigay na kautusan.

19. Si Yahweh nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan;mula doon, sa nilikha'y maghaharing walang hanggan.

20. O purihin n'yo si Yahweh, kayong mga anghel ng Diyos,kayong mga nakikinig at sa kanya'y sumusunod!

21. Si Yahweh nga ay purihin ng buong sangkalangitan,kayong mga lingkod niyang masunurin kailanman.

22. O purihin ninyo siya, kayong lahat na nilalang,sa lahat ng mga dakong naghahari ang Maykapal;O aking kaluluwa, si Yahweh ay papurihan!