Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 103:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa!At lahat ng nasa aki'y magsipagpuri sa kanya, purihin mo sa tuwina ang banal na ngalan niya.

2. Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa,at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.

3. Ang lahat kong kasalana'y siya ang nagpapatawad,at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.

4. Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,at pinagpapala ako sa pag-ibig niya't habag.