Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 15:5-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Nahahabag ako sa Moab,nagsisitakas ang kanyang mamamayanpatungo sa lupain ng Zoar, hanggang Eglat-selisiya.Lumuluha silang umahon sa gulod ng Luhit,humahagulgol sa daang patungo sa Horonaim,dahil sa kapahamakang kanilang sinapit.

6. Natuyo ang mga batis ng Nimrim,natuyo ang mga damo, natigang ang mga kaparangan,walang natirang sariwang halaman.

7. Kaya itinawid nila sa kabila ng Batis Herabimang lahat nilang kayamanan at ari-arian.

8. Laganap sa buong Moab ang iyakan,abot sa Eglaim ang hagulgulan,dinig na dinig hanggang sa Beer-elim.

9. Pumula sa dugo ang mga batis ng Dibon;ngunit may iba pang sakunang inihanda ko para sa kanya:Papatayin ng leon ang lahat ng matitira sa Moab.