Isaias

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66

Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Wawasakin ng Diyos ang Moab

1. Ito ang pahayag tungkol sa Moab:Noong gabing gibain ang Ar,gumuho na ang Moab,noong gabing wasakin ang Kir,bumagsak na ang Moab.

2. Umahon sa mga templo ang mga taga-Dibon,upang sa mga burol sila ay manangis;iniiyakan ng Moab ang Nebo at Medeba.Bawat isa sa kanila'y nagpakalboat nag-ahit ng balbas dahil sa pagdadalamhati.

3. Lahat ay nagluluksa sa mga lansangan,nanaghoy sila sa mga bubungan ng bahayat sa mga liwasang-bayan.

4. Nananaghoy ang Hesbon at ang Eleale,dinig hanggang Jahaz ang kanilang iyakan,nasisindak pati mga mandirigma ng Moab,silang mga kawal, ngayo'y naduduwag.

5. Nahahabag ako sa Moab,nagsisitakas ang kanyang mamamayanpatungo sa lupain ng Zoar, hanggang Eglat-selisiya.Lumuluha silang umahon sa gulod ng Luhit,humahagulgol sa daang patungo sa Horonaim,dahil sa kapahamakang kanilang sinapit.

6. Natuyo ang mga batis ng Nimrim,natuyo ang mga damo, natigang ang mga kaparangan,walang natirang sariwang halaman.

7. Kaya itinawid nila sa kabila ng Batis Herabimang lahat nilang kayamanan at ari-arian.

8. Laganap sa buong Moab ang iyakan,abot sa Eglaim ang hagulgulan,dinig na dinig hanggang sa Beer-elim.

9. Pumula sa dugo ang mga batis ng Dibon;ngunit may iba pang sakunang inihanda ko para sa kanya:Papatayin ng leon ang lahat ng matitira sa Moab.