Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 95 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

Awit ng Pagpupuri kay Yahweh

1. Tayo na't lumapitkay Yahweh na Diyos, siya ay awitan,ang batong kublihan,atin ngang handugan, masayang awitan!

2. Tayo na't lumapit,sa kanyang presensya na may pasalamat,siya ay purihin,ng mga awiting may tuwa at galak.

3. Sapagkat si Yahweh,siya ay dakila't makapangyarihang Diyos,ang dakilang Haringhigit pa sa sinuman na dinidiyos.

4. Nasa kanyang paladang buong daigdig, pati kalaliman;ang lahat ay kanyamaging ang mataas nating kabundukan.

5. Kanya rin ang dagatat pati ang lupa na kanyang nilalang.

6. Tayo na't lumapit,sa kanya'y sumamba at magbigay-galang,lumuhod sa harapni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.

7. Siya ang ating Diyos,at tayo ang bayan sa kanyang pastulan,mga tupang kanyang inaalagaan.At ngayon kanyang salita'y ating pakinggan:

8. “Iyang inyong puso'yhuwag patigasin, tulad ng ginawang inyong magulangnang nasa Meriba, sa ilang ng Masah.

9. Ako ay tinukso'tdoon ay sinubok ng inyong magulang,bagama't nakitaang aking ginawang sila'ng nakinabang.

10. Apatnapung taon,sa inyong ninuno ako ay nagdamdam,ang aking sinabi,‘Sila ay suwail, walang pakundanganat ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin!’

11. Kaya't sa galit ko,ako ay sumumpang hindi sila makakapasokat makakapagpahinga sa aking piling.”