Magandang Balita Biblia Revisi

Zefanias 3:14-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Umawit ka nang malakas, Lunsod ng Zion! Sumigaw ka, Israel!Magalak ka ng buong puso, Lunsod ng Jerusalem!

15. Ang iyong kaparusahan ay inalis na ni Yahweh,at pinalayas na niya ang iyong mga kaaway.Nasa kalagitnaan mo si Yahweh, ang Hari ng Israel,wala nang kasawiang dapat pang katakutan.

16. Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem,“Huwag kang matakot, Zion;huwag kang panghinaan ng loob.

17. Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos,at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay.Siya ay magagalak sa iyoat ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay.Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan,

18. gaya ng nagdiriwang sa isang kapistahan.Ililigtas kita sa iyong kapahamakan,upang huwag mo nang maranasan ang kahihiyan.

19. Sa panahong iyon ay haharapin ko ang mga umapi sa iyo.Titipunin ko ang mga itinakwil,papalitan ko ng karangalan ang kanilang mga kahihiyan,at gagawin ko silang tanyag sa buong daigdig.