Magandang Balita Biblia Revisi

Zefanias 3:11-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. “Sa araw na iyon ay hindi na kayo mapapahiyasa ginawa ninyong paghihimagsik sa akin,sapagkat aalisin ko ang mga mapagmataas,at hindi na kayo maghihimagsik sa aking banal na bundok.

12. Iiwan ko roonang mga taong mapagpakumbabá;lalapit sila sa akin upang magpatulong.

13. Hindi na gagawa ng kasamaan ang mga nakaligtas sa Israel;hindi na sila magsisinungaling ni mandaraya man.Uunlad ang kanilang buhay at magiging panatag;wala na silang katatakutan.”

14. Umawit ka nang malakas, Lunsod ng Zion! Sumigaw ka, Israel!Magalak ka ng buong puso, Lunsod ng Jerusalem!

15. Ang iyong kaparusahan ay inalis na ni Yahweh,at pinalayas na niya ang iyong mga kaaway.Nasa kalagitnaan mo si Yahweh, ang Hari ng Israel,wala nang kasawiang dapat pang katakutan.

16. Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem,“Huwag kang matakot, Zion;huwag kang panghinaan ng loob.

17. Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos,at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay.Siya ay magagalak sa iyoat ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay.Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan,

18. gaya ng nagdiriwang sa isang kapistahan.Ililigtas kita sa iyong kapahamakan,upang huwag mo nang maranasan ang kahihiyan.

19. Sa panahong iyon ay haharapin ko ang mga umapi sa iyo.Titipunin ko ang mga itinakwil,papalitan ko ng karangalan ang kanilang mga kahihiyan,at gagawin ko silang tanyag sa buong daigdig.

20. Sa panahong iyon, kayo'y aking titipunin at ibabalik sa inyong tahanan.Gagawin ko kayong bantog sa buong daigdig,at muli kong ibabalik ang inyong kayamanan at kasaganaan.”Si Yahweh ang nagsabi nito.