Magandang Balita Biblia Revisi

Zefanias 1:4-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. “Paparusahan ko ang lahat ng mamamayan ng Juda at ng Jerusalem.Wawasakin ko rin sa dakong ito ang mga nalalabing bakas ng pagsamba kay Baalat lubusan nang malilimutan ang mga paring naglilingkod sa mga diyus-diyosan.

5. Kabilang dito ang mga umaakyat sa kanilang bubunganupang sumamba sa araw, sa buwan at sa mga bituin.Ang mga taong kunwa'y nanunumpa sa pangalan ni Yahwehngunit sa pangalan naman pala ni Milcom;

6. silang mga tumalikod na sa paglilingkod kay Yahwehat hindi na humihingi ng patnubay sa kanya.”

7. Tumahimik kayo sa harapan ng Panginoong Yahweh!Sapagkat malapit nang dumating ang araw ni Yahweh.Inihanda na niya ang kanyang bayan upang ialay,at inanyayahan niya ang kanyang mga panauhin upang wasakin ang Juda.

8. Sa araw na iyon, sasabihin ni Yahweh,“Paparusahan ko ang mga pinuno at ang mga anak ng hari,gayundin ang lahat ng tumutulad sa pananamit ng mga dayuhan.

9. Paparusahan ko rin ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan,gayundin ang mga nagnanakaw at pumapatayupang may mailagay lamang sa bahay ng kanilang panginoon.”

10. Sinabi rin ni Yahweh, “Sa araw na iyon,maririnig ang malakas na pagtangis ng mga tao sa pintuang tinatawag na Isda,mga panaghoy mula sa bagong bahagi ng lunsod,at malalakas na ingay dahil sa pagguho ng mga gusali sa mga burol.

11. Tumangis kayo, mga naninirahan sa mababang lugar ng lunsod!Patay nang lahat ang mga mangangalakal;ang mga nagtitimbang ng pilak ay wala na.

12. “Sa panahong iyon ay gagamit ako ng ilawanupang halughugin ang Jerusalem.Paparusahan ko ang mga taong labis na nagtitiwala sa sariliat nagsasabing,‘Si Yahweh ay walang gagawin para sa ating ikabubuti o ikasasamâ.’