Magandang Balita Biblia Revisi

Zacarias 9:11-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Sinabi pa ni Yahweh,“Alang-alang sa ating tipan na pinagtibay ng dugo,ibabalik ko ang mga anak mong itinapon sa balong tuyo.

12. Kayo, mga bilanggo, na di nawalan ng pag-asa,ay maaari nang bumalik sa inyong lupain.Ang magandang kalagayan ninyo noong unang panahon,ay aking hihigitan at pag-iibayuhin.

13. Binanat ko ang Juda gaya ng isang pana,at ang Efraim naman ang aking panudla.Kayong mga taga-Zion ay aking isasagupalaban sa mga anak ng mga taga-Grecia;gaya ng tabak ng isang mandirigma,sila'y gagawin kong aking sandata.”

14. Si Yahweh ay magpapakita sa kanyang bayan,at ang palaso niya'y parang kidlat na sisibat;trumpeta ng Panginoong Yahweh, kanyang hihipanat sila'y parang ipu-ipong sasalakay sa katimugan.