Magandang Balita Biblia Revisi

Zacarias 8:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi sa akin ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,

2. “Ganito ang sabihin mo: Sabik na sabik na akong ipadama sa Jerusalem ang aking pagmamahal; isang pagmamahal na naging dahilan upang mapoot ako sa kanyang mga kaaway.

3. Babalik ako sa Jerusalem upang muling manirahan doon. Tatawagin itong Tapat na Lunsod at Banal na Bundok ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

4. Ganito ang sinabi ni Yahweh: “Muling makikita ang matatandang babae't lalaking nakatungkod na nakaupo sa mga liwasan ng lunsod.

5. Ang mga lansangan ay mapupuno ng mga batang naglalaro.

6. Aakalain ng mga naiwan sa lupain na mahirap itong mangyari. Ngunit para kay Yahweh ay walang imposible.