Magandang Balita Biblia Revisi

Zacarias 5:6-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. “Ano 'yan?” tanong ko sa kanya.“Iyan ay isang malaking basket. Inilalarawan niyan ang kasalanan ng buong sanlibutan,” sagot niya.

7. Bumukas ang tinggang takip nito at nakita kong may isang babaing nakaupo sa loob ng malaking basket.

8. Sinabi sa akin ng anghel, “Iyan si Kasamaan.” At itinulak niya ito pabalik sa loob ng kaing at muling sinarhan.

9. Nang ako'y tumingala, may nakita akong dalawang babaing lumilipad papunta sa akin; malalapad ang kanilang pakpak. Pinagtulungan nilang ilipad na palayo ang malaking basket.

10. Tinanong ko ang anghel, “Saan nila iyon dadalhin?”

11. Sumagot siya, “Sa Babilonia. Gagawa sila ng templo roon upang paglagyan ng malaking basket. Pagkatapos, sasambahin nila ito.”