Magandang Balita Biblia Revisi

Zacarias 1:19-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Tinanong ko ang anghel na kausap ko, “Ano ang kahulugan nito?”Ang sagot niya sa akin, “Iyan ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, Israel at Jerusalem.”

20. Pagkatapos, apat na panday ang ipinakita ni Yahweh sa akin.

21. Itinanong ko, “Ano ang gagawin nila?” Sumagot siya, “Ang Juda ay lubusang winasak ng mga sungay na nakita mo, anupa't walang makalaban sa kanila. Ipinadala ko ang mga panday na ito upang siyang humarap sa apat na sungay; babaliin nila ang lahat ng sungay na ginamit laban sa Juda.”