Magandang Balita Biblia Revisi

Zacarias 1:16-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Kukupkupin kong muli ang Jerusalem at ang aking templo ay muling itatayo. Ibabalik ang dating sukat at kaayusan nito.

17. Muling sasagana ang aking mga lunsod. Ang Zion ay muli kong papatnubayan at hihirangin ang Jerusalem.”

18. Ako'y tumingin at may nakita akong apat na sungay.

19. Tinanong ko ang anghel na kausap ko, “Ano ang kahulugan nito?”Ang sagot niya sa akin, “Iyan ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, Israel at Jerusalem.”