Magandang Balita Biblia Revisi

Mikas 5:11-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Gigibain ko ang inyong mga lunsod at ibabagsak ang matitibay ninyong tanggulan.

12. Wawasakin ko ang inyong mga agimat at mawawala na rin ang mga manghuhula.

13. Wawasakin ko ang inyong mga diyus-diyosan at mga haliging itinuturing ninyong sagrado, at hindi na kayo sasamba sa ginawa ng inyong mga kamay.

14. Dudurugin ko rin ang inyong mga diyus-diyosang Ashera at iguguho ang inyong mga lunsod.

15. Ibabagsak ko sa inyo ang aking poot, at isasagawa ang aking paghihiganti sa mga bansang hindi sumunod sa akin.”