Magandang Balita Biblia Revisi

Mikas 4:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Darating ang panahon,na ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahwehay mamumukod sa kataasan sa lahat ng bundok.Higit itong dadakilain kaysa lahat ng burol, at dudulog dito ang maraming bansa.

2. Daragsa ang maraming tao at sasabihin nila,“Halikayo, tayo na sa bundok ni Yahweh,sa templo ng Diyos ni Jacob,upang malaman natin ang nais niyang gawin natinat matuto tayong lumakad sa kanyang landas.Sapagkat magmumula sa Zion ang katuruan,at sa Jerusalem ang salita ni Yahweh.”

3. Siya ang mamamagitan sa mga bansa,at magpapairal ng katarungan sa lahat ng lahi.Kaya't gagawin nilang talim ng araro ang kanilang mga tabak,at karit naman ang kanilang mga sibat.Mga bansa'y di na mag-aaway,at sa pakikidigma'y di na magsasanay.

4. Sa halip, bawat tao'y mamumuhay nang payapasa kanyang ubasan at mga puno ng igos.Wala nang babagabag sa kanila,sapagkat ito ang pangako ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.