Magandang Balita Biblia Revisi

Mikas 2:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Kakila-kilabot ang mangyayari sa mga hindi na natutulog dahil sa pagbabalak ng kasamaan at maagang bumabangon upang agad itong isagawa sa sandaling magkaroon ng pagkakataon.

2. Kapag nagustuhan nila ang lupa ng may-lupa, kinakamkam nila ito. Inaapi nila ang mga tao sa pamamagitan ng pandaraya upang maalipin nila ang pamilya ng mga ito at masamsam ang kanilang mga ari-arian.

3. Kaya nga, sinasabi ni Yahweh, “Paparusahan ko ang sambahayang ito, at walang sinumang makakatakas dito. Hindi na kayo muling makapagmamataas pagkaraan ng araw ng inyong kapahamakan.

4. Sa araw na iyon ay kukutyain kayo ng inyong mga kaaway sa pamamagitan ng pag-awit tungkol sa inyong kasawian:‘Ganap na kaming nawasak;inalis na ni Yahweh ang aming karapatan sa mga lupaing bahagi ng aming sambahayanat pinaghati-hati ang mga ito sa mga bumihag sa amin.’”