Magandang Balita Biblia Revisi

Mikas 1:4-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Sa sandaling yapakan niya ang mga bundok,ang mga ito'y matutunaw.At ang mga libis ay mabibiyak na gaya ng kandilang nadarang sa init ng apoy,gaya ng tubig na aagos mula sa burol.

5. Ang lahat ng ito'y magaganap dahil sa pagsuway ng lahi ni Jacob,dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ni Israel.Sino ang dapat sisihin sa paghihimagsik ng Israel?Walang iba kundi ang Samaria!Sino ang sumamba sa mga diyus-diyosan?Walang iba kundi ang mga taga-Jerusalem!

6. Kaya't sinabi ni Yahweh,“Gigibain ko ang Samaria at lubusang iguguho, hanggang siya'y maging isang bunton ng lupa,na angkop lamang pagtaniman ng ubas.Paguguhuin ko papunta sa libis ang kanyang mga bato,at wawasakin ko ang kanyang mga pundasyon.

7. Madudurog ang lahat ng imahen doon;masusunog ang lahat ng ibinabayad ng mga sumasamba roon.At ang mga diyus-diyosan doon ay mawawasak;sapagkat ang mga ito'y bayad sa mga upahang babae ng mga sumasamba sa mga diyus-diyosan,kaya't iyon ay tatangayin ng kanilang mga kaaway.”

8. Dahil dito'y mamimighati ako at tatangis.Lalakad akong hubad at nakayapak.Mananaghoy akong gaya ng mga asong-gubat,at mananangis na tulad ng mga kuwago.

9. Sapagkat ang sugat ng Samaria ay hindi na gagaling.Ito rin ay kakalat sa buong Juda;papasok sa pinto ng Jerusalemna tirahan ng aking bayang pinili.

10. Huwag ninyong ibalita sa Gat ang ating pagkatalo.Huwag ninyong ipapakita sa kanya ang inyong pagtangis.Sa bayan ng Afra kayo maglupasay.