Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Taga-Galacia 4:25-30 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Si Hagar ay kumakatawan sa Bundok ng Sinai na nasa Arabia, at larawan ng kasalukuyang Jerusalem na nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan.

26. Ngunit ang Jerusalem na nasa langit ay malaya, at siya ang ating ina.

27. Ayon sa nasusulat,“Magsaya ka, O babaing hindi magkaanak!Humiyaw ka sa galak, ikaw na hindi pa nakaranas ng hirap sa panganganak!Sapagkat higit na marami ang anak ng babaing nangungulilakaysa babaing may asawa.”

28. Mga kapatid, tulad ni Isaac, tayo'y mga anak ayon sa pangako.

29. Kung noong una, ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay inuusig ng ipinanganak ayon sa karaniwang paraan, gayundin naman ngayon.

30. Ngunit ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Palayasin mo ang babaing alipin at ang kanyang anak, sapagkat ang anak ng alipin ay hindi dapat makibahagi sa mana ng anak ng malaya.”