Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 9:12-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Kung mayroon kang karunungan, mayroon kang pakinabang,ngunit ika'y magdurusa kapag siya'y tinanggihan.

13. Ang nakakatulad nitong taong mangmang,babaing magaslaw at walang kahihiyan.

14. Lagi siyang naroon sa pinto ng kanyang bahay,o sa lantad na bahagi ng lansangan nitong bayan.

15. Bawat taong nagdaraan na kanyang masulyapan,ay pilit na tatawagin at kanyang aanyayahan,

16. “Lapit dito, kayong lahat na kulang sa kaalaman!”Kanya namang sinasabi sa mga mangmang,

17. “Tubig na ninakaw ay ubod ng tamis,tinapay na nakaw, masarap na labis.”