1. Gumawa na ng tahanan itong karunungan,na itinayo niya sa pitong patibayan.
2. Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin,ang mesa ay inihanda, punung-puno ng pagkain.
3. Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan,upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan:
4. “Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.”Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit:
5. “Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko,at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo.
6. Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay,at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.”