Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 9:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Gumawa na ng tahanan itong karunungan,na itinayo niya sa pitong patibayan.

2. Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin,ang mesa ay inihanda, punung-puno ng pagkain.

3. Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan,upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan:

4. “Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.”Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit:

5. “Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko,at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo.