Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 8:3-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. nasa mga pintuan siya, sa may harap nitong bayan,nakatindig sa pagpasok at ito ang kanyang sigaw:

4. “Kayo'y tinatawagan ko, tao ng sandaigdigan,para nga sa lahat itong aking panawagan.

5. Kayong walang nalalaman ay mag-aral na maingat,at kayong mga mangmang, pang-unawa ay ibukas.

6. Salita ko ay pakinggan pagkat ito'y mahalaga,bumubukal sa labi ko ay salitang magaganda.

7. Pawang katotohanan itong aking bibigkasin,at ako ay nasusuklam sa lahat ng sinungaling.

8. Itong sasabihin ko ay pawang matuwid,lahat ay totoo, wala akong pinilipit.

9. Ito ay maliwanag sa kanya na may unawa,at sa marurunong ito ay pawang tama.

10. Payo ko'y pahalagahan nang higit pa sa pilak,at ang dunong, sa ginto ay huwag sanang itutumbas.

11. “Pagkat akong karunungan ay mahigit pa sa hiyas,anumang kayamanan ay hindi maitutumbas.

12. Ako ay nagbibigay ng talas ng kaisipan,itinuturo ko ang landas ng hinaho't karunungan.

13. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay naglalayo sa kasamaan.Ako ay namumuhi sa lahat ng kalikuan,sa salitang baluktot, at sa diwang kayabangan.

14. Mayroon akong lakas at taglay na kakayahan,ganoon din naman, unawa't kapangyarihan.

15. Dahil sa akin, ang hari'y nakapamamahala,nagagawa ng mga pinuno ang utos na siyang tama.

16. Talino ng punong-bayan ay sa akin nagmumula,at ako rin ang dahilan, dangal nila't pagdakila.

17. Mahal ko silang lahat na sa aki'y nagmamahal,kapag hinanap ako nang masikap, tiyak na masusumpungan.

18. Ang yaman at karangalan ay aking tinataglay,kayamanang walang maliw, kasaganaan sa buhay.

19. Ang bunga ko ay higit pa sa gintong dinalisay,mataas pa kaysa pilak ang halagang tinataglay.

20. Ang landas kong dinaraanan, ay daan ng katuwiran,ang aking tinatahak, ay landas ng katarungan.