Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 8:26-36 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

26. Ako muna ang nilikha bago ang lupa at bukid,nauna pa sa alabok, at sa lupang daigdig.

27. Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na,maging nang ang hangganan ng langit at lupa'y italaga.

28. Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay,at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman.

29. Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat,nang ang patibayan ng mundo ay ilagay at itatag,

30. ako'y lagi niyang kasama at katulong sa gawain,ako ay ligaya niya at sa akin siya'y aliw.

31. Ako ay nagdiwang, nang daigdig ay matapos,dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos.

32. “At ngayon, aking anak, ako nga ay pakinggan,sundin ang payo ko't liligaya ang iyong buhay.

33. Upang maging matalino, ang turo ko ay dinggin mo,huwag mong pababayaan ni lalayuan ito.

34. Mapalad ang taong sa akin ay nakikinig,sa akin ay nag-aabang at palaging nakatitig.

35. Pagkat ang makasumpong sa akin ay nakasumpong ng buhay,at ang kalooban ni Yahweh ay kanyang nakakamtan.

36. Ngunit ang di makasumpong sa akin, sarili ang sinasaktan,ang napopoot sa akin, iniibig ay kamatayan.”