Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 8:17-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Mahal ko silang lahat na sa aki'y nagmamahal,kapag hinanap ako nang masikap, tiyak na masusumpungan.

18. Ang yaman at karangalan ay aking tinataglay,kayamanang walang maliw, kasaganaan sa buhay.

19. Ang bunga ko ay higit pa sa gintong dinalisay,mataas pa kaysa pilak ang halagang tinataglay.

20. Ang landas kong dinaraanan, ay daan ng katuwiran,ang aking tinatahak, ay landas ng katarungan.

21. Ang sa aki'y nagmamahal binibigyan ko ng yaman,aking pinupuno ang kanilang mga sisidlan.

22. “Sa lahat ng nilikha ni Yahweh, ako ang siyang una,noong una pang panahon ako ay nalikha na.

23. Matagal nang panahon nang anyuan niya ako,bago pa nalikha at naanyo itong mundo.

24. Wala pa ang mga dagat nang ako'y lumitaw,wala pa ang mga bukal ng tubig na malilinaw.