1. Hindi mo ba naririnig ang tawag ng karunungan,at ang tinig ng unawa'y hindi pa ba napakinggan?
2. Nasa dako siyang mataas,sa tagpuan ng mga landas;
3. nasa mga pintuan siya, sa may harap nitong bayan,nakatindig sa pagpasok at ito ang kanyang sigaw:
4. “Kayo'y tinatawagan ko, tao ng sandaigdigan,para nga sa lahat itong aking panawagan.
5. Kayong walang nalalaman ay mag-aral na maingat,at kayong mga mangmang, pang-unawa ay ibukas.