Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 7:20-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Marami ang baon niyang salapi,pagbilog pa ng buwan ang kanyang uwi.”

21. Sa salitang mapang-akit ang lalaki ay nahimok,sa matamis na salita, damdamin niya ay nahulog.

22. Maamo siyang sumunod sa babae at pumasok,parang bakang kakatayin, sa matador ay sumunod,mailap na usa, sa patibong ay nahulog,

23. hanggang sa puso nito ang palaso ay maglagos.Isang ibong napasok sa lambat ang kanyang nakakatulad,hindi niya namalayang buhay pala ang katumbas.

24. Kaya nga ba, aking anak, sa akin ay makinig,at dinggin mo ang salitang mula sa aking bibig.

25. Huwag mo ngang hahayaang ang puso mo ay maakit,ng babaing ang tuntunin ay landasing nakalihis,

26. sapagkat marami na ang kanyang naipahamak,at hindi na mabibilang, nabuwal sa kanyang yapak.

27. Sa bahay niya'y nagmumula ang landas ng kasawian,tiyak na patungo sa malagim na kamatayan.