Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 7:13-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Lalaki'y kanyang susunggaban at pupupugin ng halik,at ang kanyang sasabihing punung-puno ng pang-akit:

14. “Nasa amin ngayon ang marami kong mga handog,katatapos ko lang tupdin ang panata ko sa Diyos.

15. Ako ay narito upang ika'y salubungin,mabuti't nakita kita pagkatapos kong hanapin.

16. Ang aking higaa'y sinapnan ko nang makapal,linong buhat sa Egipto, iba't iba pa ang kulay.

17. Ito'y aking winisikan ng pabangong mira,bukod pa sa aloe at mabangong kanela.

18. Halika at bigyang daan, damdamin ng isa't isa,ang magdamag ay ubusin sa paglasap ng ligaya.

19. Ako ay nag-iisa, asawa ko'y nasa malayo,pagkat siya ay umalis sa ibang lugar nagtungo.

20. Marami ang baon niyang salapi,pagbilog pa ng buwan ang kanyang uwi.”

21. Sa salitang mapang-akit ang lalaki ay nahimok,sa matamis na salita, damdamin niya ay nahulog.

22. Maamo siyang sumunod sa babae at pumasok,parang bakang kakatayin, sa matador ay sumunod,mailap na usa, sa patibong ay nahulog,

23. hanggang sa puso nito ang palaso ay maglagos.Isang ibong napasok sa lambat ang kanyang nakakatulad,hindi niya namalayang buhay pala ang katumbas.