Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 6:7-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Kahit sila'y walang pinunong sa kanila'y nag-uutos,walang tagapamahala o tagamasid na sinusunod,

8. ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw,kailanga'y iniipon kung panahon ng anihan.

9. Hanggang kailan, taong tamad mananatili sa higaan,kailan ka babalikwas sa iyong pagkakahimlay?

10. Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip,

11. samantalang namamahinga ka ang kahirapa'y daratingna parang armadong magnanakaw upang kunin ang lahat ng iyong kailangan.

12. Taong walang kuwenta at taong masama,kasinungalingan, kanyang dala-dala.

13. Ang mata ay ikikindat o kaya'y ipipikit,ikukumpas pa ang kamay upang ikaw ay maakit.

14. Ngunit sa sarili ay may masamang iniisip,ang lagi niyang nais ay manggulo sa paligid.

15. Dahil dito, kapahamakan niya'y biglang darating,sa sugat na tatamuhi'y hindi na nga siya gagaling.

16. Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay,mga bagay na kanyang kinasusuklaman:

17. kapalaluan, kasinungalingan,at mga pumapatay sa walang kasalanan,

18. pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan,mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan,

19. saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin,pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.

20. Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin,huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw.