Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 6:23-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. Pagkat ang utos ay ilaw, ang turo ay tanglaw,at daan ng buhay itong mga saway.

24. Ilalayo ka nito sa babaing masama,sa mapang-akit niyang salita ngunit puno ng daya.

25. Huwag mong nanasain ang ganda niyang taglay,ni huwag paaakit sa tingin niyang mapungay.

26. Babaing masama'y maaangkin sa halaga ng tinapay,ngunit bunga'y kasamaan sa buo mong pamumuhay.

27. Kung ang tao ba'y magkandong ng apoy,kasuotan kaya niya'y di masusunog niyon?

28. Kung ang tao ay tumapak sa uling na nagbabaga,hindi kaya malalapnos itong kanyang mga paa?

29. Ganoon din ang taong sisiping sa asawa ng kapwa,tiyak siyang magdurusa pagkat ito ay masama.