Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 6:13-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Ang mata ay ikikindat o kaya'y ipipikit,ikukumpas pa ang kamay upang ikaw ay maakit.

14. Ngunit sa sarili ay may masamang iniisip,ang lagi niyang nais ay manggulo sa paligid.

15. Dahil dito, kapahamakan niya'y biglang darating,sa sugat na tatamuhi'y hindi na nga siya gagaling.

16. Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay,mga bagay na kanyang kinasusuklaman:

17. kapalaluan, kasinungalingan,at mga pumapatay sa walang kasalanan,

18. pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan,mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan,

19. saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin,pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.

20. Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin,huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw.

21. Sa puso mo ay iukit, at itanim mo sa isip.

22. Pagkat ang aral na ito sa iyo ay patnubay,sa pagtulog mo ay bantay, sa paggawa ay alalay.

23. Pagkat ang utos ay ilaw, ang turo ay tanglaw,at daan ng buhay itong mga saway.