Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 6:1-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Aking anak, sa utang ba ng iba ikaw ay nananagot?

2. Ikaw ba ay nangako, sa utang niya ay nasangkot?

3. Kung gayon ay nasasakop ka ng kanyang pagpapasya,ngunit ito ang gawin mo nang makaiwas sa problema:Ikaw ay magmadali sa kanya ay makiusap,sabihin mong pawalan ka sa napasukan mong bitag.

4. Huwag kang titigil, huwag kang maglulubay,ni huwag kang iidlip, hanggang walang kalayaan.

5. Iligtas ang sarili mo parang usang tumatakas,at tulad niyong ibong sa kulunga'y umaalpas.

6. Tingnan mo ang mga langgam, ikaw na taong ubod ng tamad,pamumuhay niya'y masdan mo at nang ikaw ay mamulat.

7. Kahit sila'y walang pinunong sa kanila'y nag-uutos,walang tagapamahala o tagamasid na sinusunod,

8. ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw,kailanga'y iniipon kung panahon ng anihan.

9. Hanggang kailan, taong tamad mananatili sa higaan,kailan ka babalikwas sa iyong pagkakahimlay?

10. Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip,