Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 5:3-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Pagkat labi ng haliparot ay sintamis nitong pulot,at ang kanyang mga halik, kasiyahan nga ang dulot.

4. Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog,hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod.

5. Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan,daigdig ng mga patay, ang landas na hahantungan.

6. Pagkat di niya siniyasat daang patungo sa buhay,ang daan niya'y liku-liko, ni hindi niya ito nalalaman.

7. Kaya nga, aking anak, sa akin ay makinig,huwag lilimutin, salita ng aking bibig.

8. Lumayo ka sa babaing masama ang pamumuhay,ni huwag kang lalapit sa pinto ng kanyang bahay.

9. Baka dangal mo'y sirain at angkinin pa ng iba,sa kamay ng masasama ay mamatay kang maaga.

10. Ang yaman mo'y uubusin ng taong di mo kilala,mga pinagpaguran mo, makikinabang ay iba.

11. Kung magkagayon, wakas mo ay anong saklap,walang matitira sa iyo kundi buto't balat.

12. Dito mo nga maiisip:“Dangan kasi'y di ko pansin ang kanilang pagtutuwid,puso ko ay nagmatigas, sinunod ang aking hilig.

13. Ang tinig ng aking guro ay hindi ko dininig,sa kanilang katuruan, inilayo ang pakinig.

14. At ngayon ay narito ang abâ kong kalagayan,isang kahihiyan sa ating lipunan.”

15. Ang dapat ay maging tapat sa asawang minamahal,at ang tangi mong pag-ibig, iukol sa kanya lamang.