Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 5:15-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Ang dapat ay maging tapat sa asawang minamahal,at ang tangi mong pag-ibig, iukol sa kanya lamang.

16. Kung ika'y magkaanak sa babaing di asawa,walang buting idudulot, manapa nga ay balisa.

17. Anak mo'y dapat lumaki nang ikaw ay matulungan,upang hindi do'n sa iba iasa ang iyong buhay.

18. Kaya nga ba't mahalin mo ang kabiyak ng iyong buhay,ang ligaya ay lasapin sa mabango niyang kandungan.

19. Mabait siya at mahinhin, babaing kaakit-akit,ligaya mo'y nasa kanya sa pitak ng kanyang dibdib.

20. Sa ibang babae ay huwag ka sanang paaakit,ni huwag mong papansinin makamandag niyang halik.

21. Ang paningin ni Yahweh sa tao'y di iniaalis,laging nakasubaybay, bawat oras, bawat saglit.

22. Kasamaan ng isang tao ay bitag na nakaumang,siya ang magdurusa sa sariling kasalanan.

23. Pagkat walang pagpipigil, siya ay mamamatayat dahil sa kamangmangan, hantungan niya'y sa libingan.