Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 5:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Aking anak, karununga'y pakinggan mong mabuti,pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi.

2. Sa gayo'y magagawa mo ang mabuting pagpapasya,at ang bawat sabihin mo'y kaalaman ang ibabadya.

3. Pagkat labi ng haliparot ay sintamis nitong pulot,at ang kanyang mga halik, kasiyahan nga ang dulot.

4. Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog,hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod.

5. Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan,daigdig ng mga patay, ang landas na hahantungan.

6. Pagkat di niya siniyasat daang patungo sa buhay,ang daan niya'y liku-liko, ni hindi niya ito nalalaman.