Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 4:7-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Unahin mo sa lahat, pagtuklas ng karunungan,ito'y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.

8. Karununga'y pahalagahan at ika'y kanyang itataas,bibigyan kang karangalan kapag iyong niyakap.

9. Siya'y korona sa ulo, sakdal ganda, anong inam,at putong ng kaluwalhatian sa iyong katauhan.”

10. Makinig ka, aking anak, payo ko ay tanggapin,lalawig ang iyong buhay, maraming taon ang bibilangin.

11. Ika'y pinatnubayan ko sa daan ng karunungan,itinuro ko sa iyo ang daan ng katuwiran.

12. Hindi ka matatalisod sa lahat ng iyong hakbang,magmabilis man ng lakad ay hindi ka mabubuwal.

13. Panghawakan mo nga ito at huwag pabayaan,ito ay ingatan mo pagkat siya'y iyong buhay.

14. Ang daan ng kasamaan ay huwag mong lalakaran,at ang buhay ng masama, huwag mo ngang tutularan.

15. Kasamaa'y iwasan mo, ni huwag lalapitan,bagkus nga ay talikuran mo, tuntunin ang tamang daan.

16. Sila'y hindi makatulog kapag di nakagawa ng masama,at hindi matahimik kapag nasa'y di nagawa.