Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 4:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Dinggin ninyo, mga anak, ang turo ng inyong ama,sasainyo ang unawa kung laging diringgin siya.

2. Pagkat tiyak na mabuti itong aking sinasabi,kaya't aking mga katuruan huwag mong isantabi.

3. Noong ako ay bata pa, nasa kupkop pa ni ama,batambata, walang malay, tanging anak nga ni ina,

4. itinuro niya sa akin at kanyang sinabi,“Sa aking mga aral buong puso kang manangan,sundin mo ang aking utos at ikaw ay mabubuhay.

5. Salita ko'y huwag mong lilimutin o tatalikuran,ang pang-unawa at karunungan, sikaping makamtan.