Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 31:4-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Lemuel, di dapat sa hari ang uminom ng alak o matapang na inumin.

5. Kadalasan kapag lasing na sila'y nalilimutan na nila ang matuwid at napapabayaan ang karapatan ng mga taong naghihirap.

6. Ang alak ay ibigay mo na lamang sa nawawalan ng pag-asa at sa mga taong dumaranas ng matinding kahirapan.

7. Hayaan silang uminom upang hirap ay malimutan, at kasawia'y di na matandaan.

8. “Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan.

9. Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

10. Mahirap makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga.

11. Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya.

12. Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan.

13. Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi ng kanyang telang lino at lana.