Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Kawikaan 31:18-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Sa kanya'y mahalaga ang bawat ginagawa, hanggang hatinggabi'y makikitang nagtitiyaga.

19. Siya'y gumagawa ng mga sinulid, at humahabi ng sariling damit.

20. Matulungin siya sa mahirap, at sa nangangailanga'y bukás ang palad.

21. Hindi siya nag-aalala dumating man ang tagginaw, pagkat ang sambahayan niya'y may makapal na kasuotan.

22. Gumagawa siya ng makakapal na sapin sa higaan at damit na pinong lino ang sinusuot niya.